HomeGalleryRegisterLog in
Good Day all Members & Visitors
Log in
Username:
Password:
Log in automatically: 
:: I forgot my password
Navigation
 Portal
 Index
 Memberlist
 Profile
 FAQ
 Search
Search
 
 

Display results as :
 
Rechercher Advanced Search
October 2014
SunMonTueWedThuFriSat
   1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031 
CalendarCalendar
Top posters
Uplift
 
Rontok82
 
Unlock_card
 
Poll
Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

Most users ever online was 8 on Thu Oct 11, 2012 10:08 am
Social bookmarking
Social bookmarking Digg  Social bookmarking Delicious  Social bookmarking Reddit  Social bookmarking Stumbleupon  Social bookmarking Slashdot  Social bookmarking Furl  Social bookmarking Yahoo  Social bookmarking Google  Social bookmarking Blinklist  Social bookmarking Blogmarks  Social bookmarking Technorati  

Bookmark and share the address of on your social bookmarking website
Statistics
We have 26 registered users
The newest registered user is bashlexi

Our users have posted a total of 19 messages in 12 subjects
Share | 
 

 Cellphone Repair Training Manual

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Uplift
Admin
Admin


Male Number of posts: 18
Age: 28
Location: Pagadian City
Registration date: 2008-05-23

PostSubject: Cellphone Repair Training Manual   Wed Jun 04, 2008 5:06 am

Cellphone Repair Training Manual

Atom

ang bumubuo sa bawat bagay, proton (positive charged _+) electron ( negative charged _-) at neutron ( neutral charged) ang bumubuo sa atom.

Ang baterya ay isang sisidlan o imbakan ng enerhiya. Ang positive at negative terminals nito ay pinanggagalingan ng pwersa na maaaring makapagpagalaw sa istruktura ng atoms depende sa disenyo na pinaggawaan at elemento na ginagamit.

May dalawang pwersa na responsible sa pagpapagalaw ng mga composisyon ng atom. Ang positive (+) o negative (-) na charge.

Sa conventional na paniniwala ang takbo ng kuryente ay mula sa positive papunta sa negative, Nang madiskubre ang semiconductor napatunayan na gumagalaw ang electron galing sa negative, tuloy ay naa-attract papuntang positive side, sa sandali na pantay na ang pwersa sa pagitan ng negative at positive side o kaya ay maputol ang linya na nag-uugnay sa dalawang pwersa, ang electrical activity ay hihinto.

Sadyang nakakamangha ang properties ng dalawang pwersa na ito.Natuklasan ang maraming applications nito.Kaugnay din dito ang pagkakatuklas sa mga bagay na magagamit upang mapalakas, mapahina at maging maimbak (store) ang energy na ito.

Ang mga bagay na kung saan dadaloy ang kuryente ay tinatawag na conductor. Halimbawa dito ay mga metal na bagay tulad ng copper, silver at maging ang tubig.

Insulator naman ang mga bagay na matagal daluyan o halos hindi madaluyan ng pwersa. Halimbawa ay plastic, kahoy, hangin at iba pa.

Voltage (V) ang termino sa lakas ng pwersa o daloy ng kuryente. Ampere (A) termino sa dami ng daloy ng kuryente.


Resistance (R) ang termino sa kakayahan ng isang bagay upang pahinain ang daloy ng kuryente. Resistor ang bagay o piyesa na ginagamit.Ang katangian na ito nasusukat at ang ginagamit na termino ay OHMS .


Palagi nating makikita sa mga manual ang K o M

1 thousand ohms = 1,000 ohms = 1 k
1 million ohms = 1,000,000 ohms = 1 M


Ang tatlong katangian V (voltage),I ( ampere ),R (ohms) ay pangunahing basehan sa kalakaran ng circuit.
Ang interaction na ito ay maaaring ma compute sa pamamagitan ng ohms LAW.

Klase ng current (kuryente)
D C - Direct current_ kung saan isang direksyon lamang ang galaw ng aktibidad.
A C - Alternating current-_ang direksyon ng activity ay nag-iiba sa loob ng takdang oras

Hertz (Hz) ang salitan (interchange) ng aktibidad sa loob ng isang segundo.
1 Hz = 1 cycle per second

Ang Voltmeter ay aparato na gamit upang masukat ang lakas voltage (V) o dami ampere (A) current (I) ng kuryente. DC man o AC.
Ohmmeter naman ang sumusukat sa resistansya (ohms) o pagkakaugnay (continuity) ng linya o piyesa sa circuit.

Multimeter
Kumbinasyon ng Ohmmeter, VOM, ampere meter depende sa model. Ang pinaka popular ay ang YX 360TR.
May dalawang test probe ang multitester positive probe (+) pula negative probe
(-) itim.



Mapapansin na ang reading ay mula kanan papunta sa kaliwa.

Pointer ang tawag sa gumagalaw na needle indicator at siyang basehan sa reading kung saan siya nakaturo.

Mapapansin na ang pointer ay palaging nasa kaliwa na siya ring rest position ng pointer.

Ginagamit ang ohmmeter function ng ating tester upang malaman kung magkakabit ang isang linya.
Hal. Point A point B
Ok (good continuity) ang linya pag gumalaw papuntang zero (O) putol (open) ang linya pag hindi (infinite reading) no reading.
A-----------------------------B
c------------------------------d
Kadalasan ay marami ang linya, at may mga linya na hindi dapat na magkakabit ( connected ) dahil pagmumulan ng hindi magandang resulta sa circuit. Ang kuryente ay palaging tatahak sa pinaka malapit na landas.

Ang abnormal na pagdaloy ng kuryente sa hindi inaasahang daluyan ay magiging dahilan para mawalan ng puwersa ang iba pang parte ng circuit.
Sadya man o hindi ang tawag dito ay short circuit.

Ang short circuit ay kadalasan dahilan ng biglaang pagdami ng daloy ng kuryente (surge) at bukod sa madaling pagkaubos ng charge pinagmumulan ito ng damage tulad ng pakaputol ng ibang linya at iba pa.

Grounded ang tawag sa ano mang bagay na mawalan (loss of ability) ng kakayahan mag sagawa ng assigned na function.

Sa electronics ikinakabit sa ground ang ano man na makakasagabal sa magandang performance ng circuit.Kadalasan negative side (-) ang tinatawag o ina assign na ground.



In summary

GOOD ang continuity pag hindi putol ang linya at ang reading ay tulad nito.

Open ang continuity pag putol ang linya at ang reading ay tulad nito.

Shorted ang circuit o mga linya pag may reading na hindi inaasahan o continuity na hindi dapat.

Kailangan na malaman muna natin kung dapat o hindi dapat gumalaw ang pointer sa linya o mga specific pointer kung saan natin ikakabit ang tester at ma assess kung short ,open , o di kaya ay good ang continuity.

Hindi masyadong relavant kung ano at saan nakakabit ang probe sa pag test ng mga linya kung continuity ang involved, pwera lang sa mga advanced na procedures.

Voltmeter (function)
ginagamit upang masukat ang lakas ng kuryente galing sa source hal. Baterya
• kaliwa papuntang kanan ang reading mula sa rest position nang pointer.
• karaniwan na gionagamit ang DC rage sa pagkumpuni.
• ang AC range ay kadalasan na ginagamit sa advanced na gumagamit.Halimbawa nito ang linya ng mga kuryente sa ating mga pamamahay.

Passive Components

Capacitor (C) farad F_ mf_ nf
Maaaring ihalintulad sa baterya. Kadalasan ay may polarity - + terminal. Sa signal ito ay ginagamit na daluyan (coupling) at sa ibang pagkakataon ginagamit. Upang maging daanan upang iiwas ang signal na papunta sa hindi nais na direksyon (bypass). Dapat isa isip na ang signal ay may AC variation at may kakayahan na dumaloy sa tamang value ng capacitance.

Diode (semiconductor)
Piyesa na may kakayahan magpadaloy (pass) o mag limita (block) sa daloy ng kuryente. Mayroon siyang forward bias at reverse bias na kung saan ang daloy ay limitado sa isang direksyon lamang.Halimbawa ng diode ay ang "backlight"(light emitting diode)

Inductor (L) Henry
Piyesa na may kakayahan I- block ang AC at patuluyin ang DC component . Sa ibang pagkakataon ginagamit para ma induce ang AC variation patungo sa kabilang coil kahit walang visual na connection upang maiwasan ang DC interference o unwanted harmful supply na galing sa kabilang circuit. Ito ay naaayon sa disenyo at pangangailangan ng circuit.

IC - integrated circuit
Resistor ,capacitor at semiconductor na nasa isang package, ito ay may specific na paggagamitan at napapabilang sa mga active components.

Transistor
Simpleng porma ng integrated circuit na may advance na katangian ng semi-conductor Q_V_ pnp npn

Crystal Oscillator
Depende sa uri at pagagamitan. Ito ay may kakayahan na mag dikta o maging basis sa duration ng specific na activity in hertz.

Diplexer
Piyesa na nag ko- control sa paglilipat ng koneksyon sa pagitan ng TX o RX papuntang antenna,ayon sa takdang frequency at activity.



Karaniwan ay dalawa lamang ang terminal ng baterya (+ ) at (-)

Apat ang karaniwan sa cellphone

+, - ,(BSI) battery size indicator at Btemp battery temperature.

Kung tatlo lamang ang design , hindi na kasali ang btemp

BSI terminal
Ay nakakabit sa processor ng cellphone. Bilang proteksyon sa hindi dapat na laki ng baterya. Design ng circuit na pag hindi ma meet ang BSI requirement,hindi gagana ang sistema ng cellphone.

BTEMP terminal
Ay feature ng circuit upang maiwasan mag init ng sobra ang baterya habang nasa charge state.

( + ) pinanggagalingan ng main supply ng cellphone. + ay kadalasan na labeled VBAT at may linyang pula sa manual .

( - ) labeled GND at may ground sign

Ang baterya ay nakakabit sa battery terminal na dalawa tatlo o apat. Kailangan na malinis ang mga terminal para mag function at mag charge ang baterya.

Ang cellphone ay sumusunod sa digital lengguwahe ang oo (yes) (1) hindi (no) ( 0 )
Ang cellphone ay mini computer.

Ito ang dahilan kung bakit touch switch lamang ang ginagamit dito mula power at hanggang sa mga keypad.

touch type switch
switch kung saan ang silver metal na dome ay lumalapat sa dalawang linya pag pinisil sa dome area sanhi na magkaroon ng temporary short na ang tawag ay line interrupt. Nawawala ang contacts pag binitawan na ang dome sheet.

Pag ma detect ng system ang interrupt kinu kwenta ng processor kung ano ang corresponding command na nasa memory upang maisagawa ang necessary operation.

Active Parts

Package ng piyesa na mayroong specific na function.

CCONT ( power IC )
ito ay responsible sa pamamahagi ng current sa buong sistema. Dito nakasalalay ang tamang daloy at timing ng kuryente para sa ibat ibang parte ng cellphone. Kailangan ang CCONT upang hindi sabay sabay ang kunsumo ng mga parts para ma extend ang length of use ng battery. Mayroon itong sariling digital part na hindi umaasa sa main processor sa mga sandali na nasa initial operation ang sistema. Dito rin nakakabit ng diretso ang SIM LINES.

HAGAR (signal processor)
Dito manggagaling ang 26 mhz na pag divide by two ay ginagamit ng CPU para maging system clock. Ito ang timing na ginagamit ng buong sistema ng cellphone para makapag communicate sa bawat isa. Ang pinakakilala na gamit nito ay ang pag process ng signal galing (RX) at paglabas (TX) sa sistema mula RF radio frequency pababa sa IF intermediate frequency.


COBBA (converter)
dalawang klase ang format ng signal sa cellphone. Digital at analog. Dito nagkakaroon ng conversion from D to A or A to D. ito rin ang nag pa process ng FAID na kailangan upang magkaroon ng identity sa network. Ang mga tunog ay dito rin processed maging galing man sa mouthpiece, papunta sa earpiece palabas sa buzzer (ring tone).

CPU ( central processing unit )
ito ang nagsasagawa ng halos lahat ng komplikadong pag kwento at pagpapa implement ng command para sa iba pang mga piyesa. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga communication at bus lines, namely data, enable, clock, reset at supply lines. Nakakabit lahat ang command lines sa kanya kasali na ang keypad at LCD lines.

Flash IC (flash (ROM) read only memory)
Dito naka imbak ang mga command data para ikumpara sa various command na galing sa CPU. Sa madaling salita nandito ang program na siyang nagpapagana sa sistema. Kadalasan nandito rin ang EEPROM kung saan nakalagay ang importanteng data na tulad ng IMEI (serial number). Kailangan ito upang magka signal ang cellphone. Mawawalan ng power ang sistema pag sira ang data dito particular sa MCU_PPM area.


RAM (random access memory) temporary buffer.
dito pansamantalang naka imbak ang mga data habang naghihitay ma process. Nagsisilbing taga pamagitan sa flash at CPU. Kailangan ito upang mapa bilis ang processing ng data.

Power Amplifier (signal transmitter)
ang electrical signal na galing sa cellphone ay kailangan na ma accellerate sa kawalan (hangin). Ang signal na ito ang paraan ng talastasan sa pagitan ng cellphone at network. Ang main supply nito ay diretso sa baterya at walang anuman swich na pinagdadaanan. Maaring single, dual o tri-band.

CCHAPS Charging IC
nag ko control ng charging sa battery, trabaho nito na I- timing ang pag connect ng charger at limitahan sa tamang proportion ang kuryente. May linya ito na nakakabit sa CPU para ma control ang limitasyon at aktibidad ng pagkarga.


Halos lahat ng aktibidad sa cellphone ay CPU ang nag ma - manage. Nakasalalay sa kanya ang proseso sapagtanggap (RX) pagbigay ( TX ) ng data o signal. Lahat ng mga active na components ay nakakabit sa kanya , siya rin ang nag pa process upang magkaroon ng audio at visual representation ang mga data kung kinakailangan. Walang kakayahan mag isa ang bawat piyesa ng cellphone. Bawat isa ay may kakayahan na hindi maisasagawa sa kawalan ng mga kasama nito. Magkakaroon ng system error pag mayroong piyesa na hindi gumagana.

Software

Flash File
program data na naka reside sa flash IC. Ito ang basehan sa mga function at behaiviour ng isang particular na cellphone. Maaaring iba iba ang version sa isang unit subalit halos hindi maaari na ilagay ang memory data na ito sa ibang klase o model na unit. O.G 5110 written to 3210 V.V.Ang paglalagay ng ibang klase ng flash file o anumang data ay madalas maging dahilan na ma disable ang system, lalo na sa na mga later models ng cellphone.


Sa flash format may dalawang bahagi

MCU
micro controller unit (master control unit)ito ang unang bahagi ng command data na kung saan bawat address ay may nakatalaga na command. Maaari rin na makabuo ng kombinasyon sa bawat command upang makabuo ng sari saring performance.

PPM
part per minute ( post programmable memory) ito ang corresponding data na magpapa hubog o magbibigay ng representasyon sa utos na galing o base sa MCU.


Ang ikatlong bahagi

EEPROM
electrically erasable programmable read only memory
dito inimbak ang mga data na natipon sa mga panahon na ginagamit ang cellphone. Kabilang na dito ang mga sariling setting na itinatalaga ng user o data na inilagay ng provider. Ang mga data na ito ay kadalasan na hindi masyadong makaka apekto sa normal na operasyon ng cellphone sakali man na mabura o maibalik sa factory settings.

Mayroon external connector access point ang mga cellphone.

F Bus RX
F Bus TX
M Bus
GROUND
( BTEMP )

Dito ikinakabit ang data cable o flasher cable para magdagdag, magbura o magpalit ng data sa loob ng flash o EEPROM area

Flasher cable
• ginagamit para palitan ang MCU, PPM o linisin ang EEPROM area. Pag sira ang data, walang power ang cellphone subalit maaari rin na mag register pa rin ang sistema ng error message na contact service”. Maaari na I manipulate ang performance ng cellphone sa pamamagitan software subalit kailangan ang tamang kaalaman ukol dito. Rekomendado lamang sa mga lubos na nakakaalam at makakaintindi sa involed na risks. Naka off lamang ang cellphone kung gagamit ng flasher at ordinaryong flasher ang gagamitin,awtomatiko naman ito sa mga advanced na software. Sa DCT3 maaari na mag read ng flash file upang ma I write sa katulad na cellphone. Sa DCT4 at WD2 (symbian format)ay mas komplikado ang proseso.

Data cable M Bus, F Bus cable
• kadalasan ay ginagamit para ma alter ang user area, particular ang EEPROM area. Madalas din ito gamitin pagkatapos mag flash upang I update ang cellphone, walang kakayahan ang mga EEPROM tools para kumpunihin ang MCU, PPM area. May katangian naman ito na ma detect sa pamamagitan ng software program ang iba pa na dahilan ng “contact service” maliban sa MCU, PPM. Kadalasan ay ginagamit ito para I match ang data ng cellphone identity (FAID) sa bagong piyesa na inintroduce sa cellphone. Kadalasan ay usable lang ito pag naka on ang cellphone.
• Upload ng logo, sreen saver, picure message, ring tone, mag save ng message at mag send gamit ang computer (PC) habang nakakabit sa cellphone.

_________________
The secret of all victory lies in the organization of the non-obvious.
Back to top Go down
http://upliftgsm.foruma.biz
 

Cellphone Repair Training Manual

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -